Saturday, October 20, 2018

PINAGMAMALAKING PAGKAIN SA PILIPINAS


            Ating alamin ang iba’t-ibang sikat na pagkain sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas hindi lang ating isipin ang mabubusog kundi pati na rin ang ating mga tiyan, unahin na natin ang pinakasikat na lugar ng Cebu.
 Kalamay ng Bohol


Cruzan Crabs ng Cebu

                Ang Cruzan crabs ay isa sa pinakamalaking pagkain na ipinagmamalaki ng Cebu. Ito rin ay isa sa mga hinahanap at dinarayo ng mga turista na bumibisita sa Cebu.



Pinakbet o Pakbet ng Davao

              Parte na ng kulturang Pilipino ang pagkaing pinakbet. Hindi ito mawawala sa hapagkainan ng bawat Pilipino. Ang mga sahog na pinakbet ay baboy, pwede ring baka at siyempre gulay. Pwede rin itong sahugan ng bagoong para mas lalong sumarap ang lasa.




Kalamay ng Bohol

             Isa ang kalamay sa pinakasikat na produkto ng Bohol. Dinarayo rin ito ng mga mamimili. Pwede kang makabili nito kahit saan sa mga Department store sa Bohol, sappier o sa airport.




Goto ng Batangas

            Hindi lang pinakbet ang naging parte na sa buhay nating mga Pilipino kundi maging ang pagkaing Goto. Kahit saaan naririnig natin ang salitang iyan lalo na kung tayo ay nagugutom. Pero hindi niyo ba alam na iba ang goto ng Batangas, dahil ang pinakahalo nito ay puro lamang loob ng baka kagaya ng tuwalya, atay, dugo at iba’t-iba pa. Mas lalo itong sumasarap kung pipigain mo ng ng kalamansi.



Strawberry Jam ng Baguio

            Isa ang strawberry Jam sa pinakadinarayo sa lugar ng Baguio. Masarap kasi ( pinakadinarayo sa lugar ng Baguio). Pinakamatamis mas lalo itong sumasarap dahil gawa ito sa mga bago at sariwang pitas ng strawberry.


            Pagkatapos nating malaman ang iba’t-ibang pagkain na sikat sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Tingin ko mas lalo kayong matatakam na matikman ito o ano pa ang hinihintay niyo tara na at bisitahin na ninyo ang mga lugar na ito at sigurado hindi lang tiyan niyo ang mabubusog pati na rin ang inyong utak.